Sa
aming paglalakbay sa Barangay Pugad, marami akong natutunan at nalaman. Bakit
nga ba masasabing simple ang pamumuhay sa Barangay Pugad? Marahil kung ikaw ay
taga-lungsod at nanirahan ka sa Barangay na iyon, paniguradong maninibago ka.
Mahigit
ilang oras din ang binyahe namin magmula sa Munisipyo ng Hagonoy patungong
Barangay Pugad kung saan sumakay kami sa bangka. Marami sa amin ang nagtalukbong
dahil para kaming mga tuyo na binibilad sa araw ng mga oras na yon. Ngunit kung
ang mga taga-Hagonoy o taga Barangay Pugad ang sasakay, malamang ay sanay na
sila.
Pagdating
sa Barangay, tila ba nagtatanong ang mga tiga-doon kung sino ba ang mga bagong
dating na lulan ng mga bangka? Dahil para kaming mga dayuhan ng naglakad kami
patungo sa Barangay Hall ng maliit na pook. Sa unang tingin ko pa lamang sa
paligid ay maihahalintulad ko na ang Barangay na ito sa aming probinsya sa
Katimugan.
Simple
lamang ang pamumuhay, masasabi kong walang ganong mga gadgets ang mga tao dito,
maraming mga bangka at mangingisda, at napansin ko din na magkakaibigan ang mga
tao dito dahil na din siguro sa maliit ang Barangay nila. At nung nandoon na
kami sa plaza, malapit sa Barangay Hall, mas lalong tumibay ang paniniwala ko
sa kasimplehan ng Barangay na ito. Hindi man lamang namin napansin na nandoon
na pala ang Barangay Captain at mga officials nito dahil sa mga nakapang-bahay
lang sila.
Kung
ako’y titira dito, sa malamang mga ilang buwan din ang kakailanganin ko bago
ako masanay.Ngunit kapag nasanay ako dito, masasabi kong magiging payapa ang
paninirahan ko dito, malayo sa polusyon ng lungsod, malayo sa mga usok ng
sasakyan, sariwa ang mga pagkain gaya ng bagong huling isda galing dagat,
simpleng pamumuhay kumbaga.
Hanga
ako sa mga residente ng Barangay Pugad dahil napaka simple lamang ng ikot ng
buhay nila, sanay na sila sa hirap ng probinsya kaya naman nakakaraos sila sa
pang araw-araw.
Lumisan
kami sa Barangay baon ang imahe ng kasimplehan ng buhay sa nasabing Barangay.
Pero syempre nalaman din namin ang mga hirap na binubuno nila sa paninirahan sa
lugar na ito. Ganun naman talaga, sa bawat sarap, may kaakibat na hirap ngunit
natutunan na ng mga taga-Barangay Pugad na yakapin ang buhay na meron sila.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento