Linggo, Marso 16, 2014

Barangay Pugad: Simpleng Barangay, Simpleng Pamumuhay



Sa aming paglalakbay sa Barangay Pugad, marami akong natutunan at nalaman. Bakit nga ba masasabing simple ang pamumuhay sa Barangay Pugad? Marahil kung ikaw ay taga-lungsod at nanirahan ka sa Barangay na iyon, paniguradong maninibago ka.

Mahigit ilang oras din ang binyahe namin magmula sa Munisipyo ng Hagonoy patungong Barangay Pugad kung saan sumakay kami sa bangka. Marami sa amin ang nagtalukbong dahil para kaming mga tuyo na binibilad sa araw ng mga oras na yon. Ngunit kung ang mga taga-Hagonoy o taga Barangay Pugad ang sasakay, malamang ay sanay na sila.

Pagdating sa Barangay, tila ba nagtatanong ang mga tiga-doon kung sino ba ang mga bagong dating na lulan ng mga bangka? Dahil para kaming mga dayuhan ng naglakad kami patungo sa Barangay Hall ng maliit na pook. Sa unang tingin ko pa lamang sa paligid ay maihahalintulad ko na ang Barangay na ito sa aming probinsya sa Katimugan.

Simple lamang ang pamumuhay, masasabi kong walang ganong mga gadgets ang mga tao dito, maraming mga bangka at mangingisda, at napansin ko din na magkakaibigan ang mga tao dito dahil na din siguro sa maliit ang Barangay nila. At nung nandoon na kami sa plaza, malapit sa Barangay Hall, mas lalong tumibay ang paniniwala ko sa kasimplehan ng Barangay na ito. Hindi man lamang namin napansin na nandoon na pala ang Barangay Captain at mga officials nito dahil sa mga nakapang-bahay lang sila.

Kung ako’y titira dito, sa malamang mga ilang buwan din ang kakailanganin ko bago ako masanay.Ngunit kapag nasanay ako dito, masasabi kong magiging payapa ang paninirahan ko dito, malayo sa polusyon ng lungsod, malayo sa mga usok ng sasakyan, sariwa ang mga pagkain gaya ng bagong huling isda galing dagat, simpleng pamumuhay kumbaga.

Hanga ako sa mga residente ng Barangay Pugad dahil napaka simple lamang ng ikot ng buhay nila, sanay na sila sa hirap ng probinsya kaya naman nakakaraos sila sa pang araw-araw.

Lumisan kami sa Barangay baon ang imahe ng kasimplehan ng buhay sa nasabing Barangay. Pero syempre nalaman din namin ang mga hirap na binubuno nila sa paninirahan sa lugar na ito. Ganun naman talaga, sa bawat sarap, may kaakibat na hirap ngunit natutunan na ng mga taga-Barangay Pugad na yakapin ang buhay na meron sila.







Biyernes, Marso 14, 2014

Modern Transition: The transition of the Parish of Saint Ildephonse from old style to modern

By: James Sebastian Bendijo

The Parish of Saint Ildephonse located in Guiguinto, Bulacan at first look is like a modern and newly-painted church, inside and outside. But believe it or not, it is already 393 years old, dating back from 1621 when the main church and convent was first constructed.

1621 when it was constructed by the first ministers of Guiguinto, finished in 1734, it has already faced three major renovations, already withstood a major earthquake in 1863 and fire in 2002. But unlike other old churches, it looks more modern compared to other heritage religious landmarks.

Carmelita Maturingan, 81 years old, an old resident of Guiguinto and a regular server at the church noticed the significant transformation of the church. Mrs. Maturingan who first seen the church when she was just seven years old relived the differences of the church from then compared to the present in terms of physical structure.

“Dati walang pintura, rough na rough lang katulad noon, na merong nakatanim na iba’t-ibang halaman na tumutubo sa ibabaw ng bato na yon, meron din tayong kampanang isang malaki doon na maganda, na pagka-ginalaw, kinalembang mo, maganda tunog,” Maturingan recounted.

Maturingan further recounted, “noong unang panahon, ang altar ay nakatalikod sa mga tao, doon sa likod na ganon nakalagay, hindi siya nakaharap, ngayong panahon na ito, nabago e, naging harap.”

“Nagkaroon kasi ng pagbabago e, yung pulpito tinanggal, kaya ang sermon ay doon na lang sa harapan ng altar, ang altar ay hinarap sa mga tao kaya ang pari ay nagmimisa na nakaharap na sa altar,” added Maturingan.

The last renovation in 2002 that lasted until 2006 was needed when fire destroyed the church back in January 24, 2002 which coincided with the town fiesta at that time. That renovation transformed the church to its current form.

“Sa ngayon maganda ang aming simbahan at naging kaenga-enganyong pasukin at maraming natutuwa na mga mamamayan sa pagkaka-bago ng simbahan namin sa pamamagitan din naman ni Monsignor Nokon at Father Monique,” said Maturingan.

“Ang nabago lang naman yung loob e, pero yung labas hindi, nagkaroon lang ng painting, para tumibay, kaya nilagyan ng painting yon para tumibay ang mga bato,” stated Maturingan.

But despite the obvious change in the structure of the church, Mrs. Maturingan said that the church is still the church that withstood the hands of time. She noted that the Parish of Saint Ildephonse, even if it has transitioned to a modern look is still a significant part of the history of the town of Guiguinto.





Miyerkules, Marso 12, 2014

Kongkreto sa gitna ng dagat

James Sebastian Bendijo

Isang malaking tanong kung paano nga ba nakapagtatayo ng kongkretong bahay sa Barangay Pugad kung saan ang lugar ay napapaligiran ng dagat. Malaking katanungan din kung paano mapapanatili ito gayong unti-unting lumulubog ang lugar habang lumilipas ang panahon.

Nakapanayam ng manunulat na ito si Lucila Calayag, residente ng Barangay Pugad. Kasalukuyan nilang pinapa-taasan ang kanilang bahay. Isinalaysay niya na mas mahirap magpagawa at magpaayos ng bahay sa lugar nila kumpara sa kabayanan.

Ang mga materyales na gagamitin sa kanilang bahay ay isinasakay pa sa bangka, kung kaya naman paputol-putol ang paggawa sa bahay nila hindi tulad kapag nasa kapatagan. “Doble ang pagpapagawa ng bahay dito,” salaysay niya.

“Imbis na kunwari meron kang budget na 50,000 lang, magiging doble, kasi pati yung taong maghahakot, may bayad na din,” salaysay pa niya.   

Sa sitwasyon nila, wala silang pagpipilian kundi ang pataasan ang kanilang bahay dahil maaaring lamunin ulit ng karagatan ang Barangay Pugad sa panahon ng Bagyo. Kung kaya’t binubuno nila ang pagpapataas at pagpapaayos sa kanilang bahay.

“Pangarap din namin makatira sa kabayanan, kasi nga yung sitwasyon na rito pangit na talaga at mahirap, syempre wala pa naman kaming pagkukunan ng mabibili ng lupa, kaya dito na lang kami,” paliwanag niya.

Isa pang dahilan kung bakit hindi nila maiwanan ang lugar ay dahil sa ang bahay na kanilang tinitirahan ay pamana ng magulang ng kanyang mister sakanila kung kaya’t kahit paano ay napamahal na sila sa bahay.

Ngunit pangarap niya na sa kapatagan na lang sana manirahan ang kanilang mga anak upang hindi na nila maranasan ang hirap ng paninirahan sa Barangay Pugad.

“Sayang naman kung iiwan namin ito, hangga’t siguro kaya naming mamuhay dito, pero pangarap nga lang din namin sa mga anak namin na wag na dito tumira,” salaysay niya


Sa kanilang pangangalaga, patuloy na titindig ang kanilang bahay sa Barangay Pugad, gaya ng pagtindig ng buong Barangay sa gitna ng dagat. Kahit gaano kahirap ang magpaayos ng bahay ay patuloy pa din sila sa pagpapagawa nito, hangga’t sa matapos nila ito.