Sabado, Agosto 30, 2014

Del Pilar: 'Underrated' sa kasaysayan ng Pilipinas



Tuwing mag-aaral ng kasaysayan, ang laging bida ay si Jose Rizal, na tinaguriang pambansang bayani dahil sa kanyang dakilang panulat na gumising sa damdaming makabayan ng Pilipinas, at si Andres Bonifacio na tinuturing na ama ng rebolusyong Pilipino.

Ngunit tila nakakaligtaan na hindi lamang sila Rizal, Bonifacio ang humubog sa kasaysayan ng Pilipinas, marami pang ibang bayani na nagbuwis din ng kanyang buhay para sa inang-bayan, at maaaring mas dakila pa ang kanyang kontribusyon, gaya ni Gat. Marcelo H. Del Pilar.

Kung tatanungin mo ang isang elemantary student, sa malamang ay isasagot niya si Rizal bilang kanyang paboritong bayani,at marami ang nagtataguri kay Rizal bilang pinaka-dakila ng lahing Pilipino, at si Del Pilar ay tila nasa background na lamang.

Ngunit maaring mas dakila pa ang mga nagawa ni Del Pilar kumpara kay Rizal, sang-ayon sa mensahe ni King Cortez, pangunahing tagapag-salita sa 'Mastermind Conference' kung saan tinalakay ang kontribusyon ni Del Pilar sa Rebolusyon at paghubog sa Bansa,.

Ayon sa kanyang tinalakay, salungat sa paniniwala na si Bonifacio ang ama ng Katipunan, si Del Pilar ang tunay na mastermind ng Katipunan, sumasalungat din ito sa paniniwala ng marami na si Del Pilar ay isa lamang propagandista gaya ni Rizal, isa din syang rebolusyonaryo.

Ayon kay Cortez, si Del Pilar pala ay mas malaki ang naiambag sa kasaysayan ng Pilipinas kumpara sa kung ano ang tinuturo sa mga estudyante. Siya ang 'Mastermind' ng rebolusyong Pilipino laban sa Kolonisasyon ng mga Kastila.

Ang mga batas at pagkilos ng Katipunan ay dapat sumang-ayon kay Del Pilar, at si Bonifacio ay tumayo lamang na 'foster father' ng Katipunan.

Si Plaridel ang naglatag ng plano at inisyatibo para sa rebolusyon na nais lumaban sa mapang-abusong kamay ng mga Kastila 

Siya pala ay meron na din itinakdang plano para sa Pilipinas kung sakaling magtagumpay ang rebolusyon ng Pilipinas, ilan dito ay ang pagpapagawa ng mga kalsada, pagkakaroon ng economic treaty sa mga ibang bansa, pag-aalis ng buwis na napupunta sa simbahan at pagpapatayo ng state universities gaya ng konsepto ng Bulacan State University na kung saan nag aaral ang nagsulat ng artikulong ito.

Tunay ngang malaki ang naiambag ni Del Pilar sa kasaysayan ng Pilipinas, at sa kung ano man ang Pilipinas ngayon, ngunit bakit nga ba 'underrated' si Del Pilar sa kasaysayan ng Pilipinas?

Sa mga nagawa ni Del Pilar, maari na siyang ihanay kay Rizal at Bonifacio sa konbersasyon na kung sino ang dapat maging pambansang bayani. Meron na din ilan na nagsasabing dapat ay si Del Pilar ang pambansang bayani at hindi si Rizal.

Lahat ng bayani ay dakila sa kanilang sariling karapatan, ngunit nakakalungkot isipin na may ilang bayani na malaki ang kontribusyon sa inang-bayan ngunit 'underrated' sa paningin ng ordinaryong Pilipino.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento