Biyernes, Enero 24, 2014

Jasmin Lorraine Tan: From Zero to Hero

By: James Sebastian Bendijo

Larawan ng katatagan at pagsisikap, si Jasmin Lorraine Tan ay nagpursige mula sa mga pagkabigo nya noon hanggang sa marating niya ang tagumpay ngayon.

Sa katatapos lamang na  13th Regional Higher Education Press Conference na ginanap sa Pampanga, napanalunan ni Jasmin ang 1st place sa tatlong dibisyon na sinalihan nya; Sports Writing, Column Writing at Opinion Writing. Dahil dito, siya din ang ‘Highest Pointer’ sa mga indibidwal na sumali sa patimpalak.

Ito ay kahanga-hanga dahil noong nakaraang taon lang ay 9th placer lamang siya sa Sports Writing at hindi nanalo sa Poetry.

Inilahad ni Jasmine na noon ay marami siyang kabiguan, gaya ng wala siyang napanalunan na contest noong Elementary, hindi din siya natanggap sa kanilang publication noong Highschool. Ito ang kanyang ginamit na motibasyon upang magtagumpay ngayon.

“Isa sa mga pwedeng gawing biggest motivation niya ay yung mga failures niya noon,” ani ni Jasmin.

Isang “Monster” na ngayon ang taguri kay Jasmin dahil sa kanyang performance. “Hindi ako makapaniwala na ewan, kasi nga dati lagi lang ako talo and everything pero ngayon, sabi ko nga bawing-bawi na yung lahat ng pagkabigo ko simula ng kinder,” paglalahad ni Jasmin.

Ano nga ba ang motibasyon ni Jasmin?

Kinailangan ni Jasmin ng malakas na motibasyon upang malampasan niya ang mga pagkabigo at pagsubok sa buhay niya. Ginamit niyang motibasyon ang mga pagkatalo niya sa mga naunang contest na sinalihan niya upang magwagi ngayon.

“Kailangan, kung ano ginawa mong effort dun sa nauna mong contest, dun sa kasunod, kailangan mas malaki, mas mabigat,” ayon kay Jasmin.

Ginamit din niyang motibasyon ang mga kritisismo sa kanilang organisasyon na Pacesetter kung saan siya ang editor-in-chief ng nasabing publikasyon. Ayon sa kanya, marami daw sa mga kritiko ang nagsabing sila daw ang weakest batch ng mga Pacesetter. Ngunit kampante naman siya na nabawi na nila ang mga sarili nila dahil sa tagumpay na nakamit nila ngayong taon.

Sinabi pa niya na kapag nahihirapan na ay dapat maniwala lang sa Diyos. “Trust lang kay God lagi, kasi hindi ka naman niya ilalagay sa kung nasaan ka kung hindi mo kakayanin,” ani ni Jasmin.

Si Jasmin, o Ate Jasmine sa karamihan ay isang modelo at dapat tularan, siya ang nagpapatunay ng kasabihang “try and try until you suceed.”



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento